Nag-viral sa social media ang katapatan ng isang “tahong” vendor matapos nitong isanauli ang nakitang tseke na may halagang 15-milyong piso.

Nakilala ang tindero bilang si Marlon Tanael. Nakita umano niya ang isang gray na backpack ala una ng hapon noong July 1.

photo via he Imus City Treasurer’s Office | fb

“Pagkakita ko po dito, na nalaglag po sa motor sa gitna ng highway, kinuha ko po at itinabi, natatakot po ako kung ano ang laman, inintay ko po ng three hours hangang magligpit ako ng 4 p.m,” sabi niya.

Inuwi niya sa bahay ang bag at nagulat nang may nakita itong tseke ng isang manager.

“Kinaumagahan ko na po binuksan para alamin kase po parang walang laman. Nakita ko po pagbukas ko, may brown envelope na naglalaman ng cheke na nagkakahalaga ng P15,000,147.80,” dagdag pa niya.

photo via he Imus City Treasurer’s Office | fb

Hindi nagdalawang isip sa Tanael na isauli ang bag sa City Treasurer’s Office ng Imus City.

“Ang gusto ko pong mangyari ay mabalik po ito sa City Treasurer of Imus City kasi po bukal po ang kalooban ko na maibalik po itong malaking pera,” ayon sa tahong vendor.

Ikinagalak ng Imus City Treasurer’s Office ang katapatan ni Tanael kung kaya at ibinahagi nila ang kwento nito online.

Ipinahayag nila sa Facebook, “The City Treasurer’s Office of Imus would like to express our deepest gratitude to Sir Marlon Tanael for finding and returning a Manager’s check worth 15 million. The check was later handed over to Sir Gramwil Mark Pango, a representative of Property Company of Friends, Inc. Again, Thank you sir! God bless and MABUHAY PO KAYO!”

photo via he Imus City Treasurer’s Office | fb

Nakatakdang gumawa ng courtesy call si Tanael kay Congressman Alex “AA” Advincula at sa anak nito na si Imus Councilor AJ Advincilu sa Imus Congressional District Office.

Ang mga kwento tulad kay Tanael ay simbolo ng patuloy na pag-asa sa kabutihan ng mga tao at tiwala sa lipunang ating kinabibilangan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here