Kamakailan lamang ay inihayag ng ating butihing Mayor ng Maynila na si Isko Moreno ang hamon na mabigyan ng trabaho ang ilan sa ating mga senior citizen at PWD o Person With Disability sa kanyang nasasakupan. Matapos nito agad na tinugunan ng isang sikat na fast food chain na Jollibee Foods Corporation (JFC) ang pag-nanais ni Mayor Isko at agad na naglatag ng kasunduan ukol dito.

imahe mula sa manila.gov.ph

Sa pinirmahang kasunduan, nakasaad dito na paglalayong mabigyan ng trabaho ang ilan sa mga kwalipikadong PWD at senior citizen. Base sa kasunduan at napaulat sa ABS-CBN ang Jollibee, Mang Inasal, Chowking, at Greenwich ay mananang-gapan sa kanilang 39 branches sa Maynila.

imahe mula sa manila.gov.ph

Sa 39 branches mangangailangan ang nasabing kompanya ng 78 na senior citizen at magtatalaga ng 39 kwalipikadong PWD sa bawat tindahan nito. Ang mga maswerteng matatanggap ay magkakaroon ng 5,000 libong buwanang sahod sa apat na oras na pag-tratrabaho kada-araw. Bukod pa diyan mas magaan na trabaho ang ibibigay sa kanila tulad ng pag-asiste sa mga costumer at pag-aasikaso sa mga orders nito.

imahe mula sa manila.gov.ph

Pahayag pa ng Jollibee Foods Corporation (JFC) group head susuriin nila ang nababagay na trabaho base sa kanilang kakayahan, Dagdag pa nito ‘dapat sila ay masaya sa trabaho habang nakakatulong sa kanilang kompanya.

imahe mula sa manila.gov.ph

Sa mga sususnod na araw at uumpisaha na ang pag-hire ng PWD at senior citizen. Ang mga nag-nanais makapag trabaho ay dadaan sa screening prosess.

3 COMMENTS

  1. Ang galing galing mo talaga mayor Isko Moreno isa kng huwarang major may Godbless sana Hindi SA nasasakupan Ang maging ganito Kung d buong pilipinas

  2. Yorme sana biyayaan kapa ng mahaba buhay at kalusugan.At sana ikaw maging huwaran At tularan ng iba pa nasa pwesto sa lipunan.
    Sana matulungan mo rin yon mga tao nangangailangan kahit hindi tao maynila.
    At kung pwede yon mga ahensya na mabagal na mag release ng mga kailangan ng tao ay paki gising higit sa lahat BIR LIPA CITY SOBRA bagal nila mag release ng mga document na kailangan ng mga tao.
    Salamat po.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here