Naaalala nyo pa ba ang Rizal Memorial Coliseum, ang isa sa historical venue sa ating kung saan idinadaos ang maraming sports program sa ating bansa. Ang nasabing sports arena ay itinayo noong 1934 at unang tinawag itong Rizal Memorial Tennis Stadium na kalaunan ay pinalitan ng pangalan at tinawag na Rizal Memorial Coliseum.

Isang eksperto sa heritage conservation ang nagpakita ng plano sa gagawing pag-sasaayos ng sports complex at ito ay walang iba kung hindi si Architect Gerard Lico. Ayon kay Architect Lico magiging moderno at maganda sa paningin ang nasabing sports complex at ito ay pinakita nya sa kanyang Facebook account. Tiyak na mamamangha ang mga dayuhan at mga atleta na mag-dadaos ng kanilang ilang mga laro dito.

Ilang mga netizen ang nagbigay ng komento at nag-pahayag ng hindi malilimutang alaala sa nasabing coliseum. Ayon sa isang netizen “Nung estudyante pa ako, madalas ako manood ng UAAP diyan and then nung naging part na ako ng Corps, lagi ako kasama sa entourage. Much more diyan ko pinanonood ang UE Dance troupe na mag-perform. Ang ganda!”

Sa ngayon sasailalim sa tatlong buwan na pag-sasaayos ang nasabing sports complex sa kadahilan ito ay gagamitin sa darating na 30th Southeast Asian Games (SEA Games) na gaganapin sa ngayong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa taong kasalukuyan. Ilan sa mga mahahalagang sports event na ginanap dito ay ang 1954 Asean Games, tatlong SEA Games sa taong 1981, 1991, 2005 at marami pang makasaysayang laro.

Ang nasabing pag-sasaayos ng sports coliseum ay pinondohan ng Philippine Amusement Gaming Corporation sa mahigit na P800 milyong piso. Alam nyo ba na ngayon lang magaganap ang isang malaking rehabilitasyon ito sa nasabing sport complex, makalipas ang 85 taon at ito ay kinatuwa ng marami.

Mga imahe ay mula kay Architect Gerard Lico | Facebook
Source :Facebook, ABS-CBN News, Filipino Balita

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here