Ang Vice Governor ng Cavite na Jolo Revilla ay nakatakdang pakasalan ang kanyang kasintahan na si Angelica Alita. Kung inyong maaalala buwan ng mga puso opisyal na sila ay naging magkasintahan, Nang ito masilip sa indtagram post ni Angelica at makalipas lamang ang ilang buwan ay kumalat ang balita ng kanilang engagement.

imahe mula sa google

Matatandaang kumalat ang balita sa instagram post ni Jolo na bago matapos ang taong kasalukuyan ay balak na nilang mag-isang dibdib, may naglabasan din balita na balak nila itong gaganapin sa Califonia,USA. Ngunit sino nga ba si Angelica Alita, halina’t ating kilalanin kung sino ba talaga ang babaeng bumihag sa puso ng actor-politician.

imahe mula sa google

Ang kasintahan ng actor-politician ay dating beauty queen kung saan lumahok ito sa Binibining Pilipinas taong 2016, nakuha lamang nito ang first runner-up at sa kasabayang kompetisyon inuwi ni Maxene Medina ang titulo upang maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe.

imahe mula sa google

Si Angelica ay tubong Oriental Mindoro at nakapagtapos sa Center for Culinary Asian Studies na isa rin pala siyang isang pastry chief. Kung maaalala ninyo siya ang dating kasintahan ng anak ni Senator Grace Poe na si Brian Poe-Llmanzares. Sa kabilang banda si Jolo naman ay dating kasintahan ni Jodi Sta. Maria na naging magkasintahan sa loob ng anim na taon.

imahe mula sa google

Hiling ng karamihan ay maging masaya ang kanilang pagsasama at gawin sentro ng pagmamahalan ang Panginoon Diyos.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here