Marahal lahat naman ay naapektuhan ng krisis dulot ng COVID-19. Marami ang nawalan ng negosyo, naparalisa o nawala ang trabaho, napalayo sa mga mahal sa buhay, nagging mahirap ang mga pang araw-araw na transaksiyon.

Isa ka sa maituturing na blessed kapag mayroon ka pang regular na trabaho at income sa panahon ng pandemya. Marahil ang ilan ay nagrereklamo sa sa hirap na kanilang dinaranas dahil sa mga safety protocols at quarantine, subalit wala ng mas mahirap pa sa sitwasyon ng isang taong pinipilit kumita sa gitna ng kapansanan sa panahon ng pandemya.

credit to Ley Castillo | fb

Marahil naantig ang puso ng isang netizen na si Ley Castillo ng kanyang nakita ang isang lalaki na nagtitinda ng samu’t saring paninda kagaya ng mani, itlog ng pugo, chicharon, at iba pa. Hindi lamang basta-basta ang kanyang ginagawang pagtitinda dahil ito ay mayroon lamang isang paa, at nakasaklay pa sa kanyang paglalako.

“Paranaque friends, pag makita nyo sya, bili kayo ng tinda nya. Kinse pesos yung isang pack ng kropek. Tulungan nalang tayo,”caption ni Ley sa kanyang Facebook post ng mga litrato ng lalaking nagtitinda.

Marahil ang ginawa ni Ley ay isang simpleng bagay lamang subalit ito ay may mabuting maidudulot sa kanyang kapwa lalo na ang Makita ang hiran na dinaranas ng ibang tao.

Isang mabisang paraan ngayon ang pag-gamit ng social media upang makatulong at makahingi ng tulong sa gitna ng krisis na ikinakaharap ng mundo.

Sana ay marami ang nakabasa at sumagot sa panawagan ni Ley. Ang barya na para sa iilan ay malaking tulong na sa mga taong nagbibilad sa tirik ng araw at naglalakad kahit gamit lamang ang isang paa, para lang may makain sa araw-araw at may maitulong sa pamilya.

Tularan nawa natin ang ginawa ni Ley, simpleng paraan na makakatulong sa ating kapwa ngayong panahon ng matinding krisis.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here