Marami na ang napag-daanang krisis ang bansa. Taon-taon binibisita ng malalakas na bayo, lindol, suliranin sa politika, mga problema sa komunidad, at iba pa. Subalit itong COVID-19 ang isa sa mga pinakamahirap na pinagdadaanan ngayonj hindi lamang dito sa bansa kundi pati narin ang buong mundo.

photo credit to Al Gueta | facebook

Subalit sa gitna ng mga pagsubok, tumatayong matibay at hindi sumusuko ang mga pinoy. Maraming mga kwento ng pagtutulungan at pagdadamayan ang naibabalita at nagiging trending sa social media.

May mga pribadong kompanya, mga politico, pati narin mga artista ang nag aabot ng tulong sa mga lugar at komunidad na mas nangangailangan ng tulong.

photo credit to Al Gueta | facebook

Bukod sa pagiging positibo, masayahin, ang mga pinoy ay kilala sa pagiging matulungin at pagkakaisa. Ito ay napatunayan ng mga tao sa isang liblib na lugar sa Masbate.

Tampok sa ulat ng PTV ang isang Barangay Mabangbaybay sa Masbate dahil sa nakakabilib at nakaka-inspire na tulong-tulong sa kanilang sariling gawang quarantine facility sa barangay.

photo credit to Al Gueta | facebook

Ang barangay chairman ay nagbigay ng lote na ginamit na mapagtayuan ng isang quarantine facility na gawa sa kahoy, kawayan, mga matitibay na dahon, at trapal.

Ibinahagi ni Al Gueta, opisyal ng Claveria Local Government Unit sa kanyang social media ang nakakabilib na ginawa ng mga residente ng barangay na umani ng maraming papuri mula sa mga natizens.

photo credit to Al Gueta | facebook

Kahit wala pa naman umanong kaso ng COVID-19 sa barangay, iminabuti na nga mga opisyal at residente na ihanda ang pasilidad upang makatulong sa panahon na ito ay kakailanganin.

Isang patunay na walang imposible kapag nagtulong-tulong at nagkaisa sa hangarin na makaiwas sa peligro na dala ng pandemya.

TINGNAN: Bayanihan sa gitna ng COVID-19 pandemic, iyan ang pinamalas ng mga residente ng Barangay Mababangbaybay sa…

Posted by Mela Lesmoras on Friday, July 10, 2020

Kahanga-hangang pagbabayanihan n asana ay nagagawa ng mga tao sa buong bansa hindi lamang sa barangay Mabangbaybay sa Masbate. Mabuhay parin ang mga mabubuting gawa at ugali ng Pilipino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here