Tila tuloy na tuloy na ang pagbabagong buhay ni Baron Geisler, kamakailan lamang ito ay nagbalik na sa pag-arte at sumunod na nag-propose sa kanyang kasintahan, Ngayon ay magpapakasal na. Sobra nga ang pasasalamat ng aktor sa Panginoon sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon at mga biyaya.

imahe mula kay Jamie Evangelista | Facebook

Ang kanyang kabiyak ay walang iba kung hindi si Jamie Evangelista isang psychologist sa rehabilitation center kung saan namalagi ang aktor. Saad din ng aktor tila parang pag-ibig sa unang tingin ang nangyari sa kanila kaya naman napakabilis ng pangyayari.

imahe mula kay Jamie Evangelista |Facebook

Ayon pa sa magaling na aktor isang biyaya sa kanyang buhay ang makilala nya si Jamie, sya ang dahilan kung bakit nakabangon agad ang aktor sa kanyang madilim na nakaraan.

imahe mula kay Jamie Evangelista |Facebook

Pahayag ng aktor:
“I’m very blessed to have her in my life kasi I’m not perfect, I’m God’s work in progress, but I am striving to be the best version of myself.

“Without God by my side and without her, I cannot make it,”.

imahe mula kay Jamie Evangelista |Facebook

Ang civil wedding ceremony ay naganap sa Quezon City Hall, sa bisa ng ipinagkaloob ng batas kay Judge Arthur Malabaguio. Sa Facebook account ni Jamie makikita na masaya ang dalawa na nakasuot ng puting damit patunay lamang na masaya ang dalawa sa kanilang kasal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here